Kailan ka makakauwi?

Hindi “balang araw.” Pitong sagot lang, at makikita mo ang posibleng buwan at taon ng uwi mo — pati kung paano ito mapapaaga.

Libre. Walang account, walang ikokonektang bangko.

Mga sagot mo

Ito ang petsa mo

Pitong sagot lang. Isang posibleng Uwi Date. Kami na ang bahala sa math.

Base sa sagot mo, ito ang tantiyang kailangang maihanda.

Safety fund pag-uwi
buwan

May sarili ka nang target?

Ang posibleng Uwi Date mo

Planning estimate base sa kasalukuyang exchange rate. Hindi ito financial advice. Ang Uwi Date ay nakadepende sa mga sagot mo, sa palitan, at sa napiling safety-fund period.

Paano kung…?

Paano kung mag-iba ang plano mo?

Ang petsa ay hindi hatol. Pumili ng isang pagbabago at tingnan kung saan ito lumilipat.

Dating petsa

Bagong petsa

Punan muna ang kalkulador sa itaas para gumana ito.

Ang proseso

Ganito ito gumagana

Walang hula. Ipapakita namin ang bawat hakbang para makita mo kung saan nanggaling ang petsa.

  1. Hakbang 1

    Natitirang pera kada buwan

    Sweldo in PHP, bawas ang gastos abroad in PHP, bawas ang padala.

  2. Hakbang 2

    Gastos na sasagutin pag-uwi

    Budget pag-uwi bawas ang expected income pag-uwi.

  3. Hakbang 3

    Target bago umuwi

    Utang, dagdag ang safety fund para sa gastos na hindi pa covered ng income mo.

  4. Hakbang 4

    Ilang buwan pa

    Kulang sa target, hinati sa natitirang pera kada buwan.

  5. Hakbang 5

    Ang posibleng Uwi Date

    Ngayon, dagdag ang bilang ng buwan na kailangan para maabot ang target.

  6. Hakbang 6

    Paano kung…?

    Parehong kuwenta, pero isang value lang ang binabago para makita mo ang epekto.

Ang totoo

Hindi ito bangko

Isa itong kalkulador. Wala kaming hinahawakang pera, at ang mga numerong inilagay mo ay hindi umaalis sa telepono mo.

  • Walang bank loginHindi mo ikokonekta ang account mo. Wala kaming access sa pera mo.
  • Email lang kung sasali kaKung mag-iiwan ka ng email para sa waitlist, iyon lang ang itinatago namin. Hindi kasama ang mga numero mo.
  • Nasa device mo lang ang numero moAng sweldo, ipon, utang at iba pang sagot mo ay hindi ipinapadala sa amin at hindi nase-save. Ang kinukuha lang online ay ang exchange rate ng currency na pinili mo — hindi kasama ang mga halagang inilagay mo.
  • Tantiya, hindi pangakoBase ang petsa sa inilagay mo. Kapag nagbago ang ipon mo, magbabago rin ang petsa.

Ang susunod

Malalaman mo muna

Ang kalkulador na ito ay libre at mananatiling libre. Ginagawa pa namin ang buong Kailan Uwi?, kung saan ma-i-save mo ang plano mo at hindi mo na kailangang ilagay ulit ang mga numero kada buwan.

Libre ngayon

  • Kalkulahin ang Uwi Date mo
  • Subukan ang lahat ng Paano Kung
  • Walang account, walang bayad

Sa buong Kailan Uwi?

  • Ma-save ang plano mo
  • I-update kada buwan nang hindi inuulit ang lahat
  • Balikan ang dating petsa at makita ang progreso
  • Mas malalim na paggamit ng Paano Kung

Ginagawa pa ito. Magiging bayad na serbisyo ang buong bersyon, at sasabihin namin ang presyo bago pa ito ilabas — walang sorpresa.

Iwan ang email mo at ikaw ang unang makakaalam kapag handa na.

Bakit napakalaki ng target ko?

Karaniwan, ang safety fund ang pinakamalaking bahagi nito. Kung 24 buwan ang pinili mo at ₱45,000 ang budget mo kada buwan, ₱1,080,000 agad iyon bago pa ang utang. Puwede mong baguhin ang bilang ng buwan sa Safety fund pag-uwi para makita kung paano nito naaapektuhan ang Uwi Date mo. Nakakatulong din ang paglalagay ng expected income pag-uwi, o ang pag-type ng sarili mong target — suggested lang ang numerong inilalagay namin.

Ano ang safety fund? Retirement fund ba ito?

Hindi. Ito ang perang nakareserba para makatulong sa gastos mo sa unang ilang buwan pag-uwi, habang wala ka pang panibagong kita. Pwede mong baguhin ang bilang ng buwan — at puwede mo ring palitan nang diretso ang target kung alam mo na ang numero mo.

Paano kung pabago-bago ang sweldo o gastos ko?

Ilagay ang karaniwang halaga. Kapag nagbago, balikan mo lang at palitan. Agad na mag-a-adjust ang petsa.

Bakit walang lumalabas na petsa?

Kapag walang natitirang pera kada buwan — ibig sabihin, kasing laki o mas malaki pa ang gastos abroad at padala kaysa sweldo — walang maiipon, kaya walang petsang makakalkula. Subukang ayusin ang mga numero o tingnan ang Paano Kung.

Totoo ba ang petsang lumalabas?

Planning estimate ito base sa inilagay mo, hindi pangako at hindi financial advice. Hindi kasama rito ang interes, inflation, o biglaang gastos.

Ano ang gagawin ninyo sa email ko?

Isang beses ka lang naming iimeyl, kapag handa na ang buong Kailan Uwi?. Walang ibang padala, walang ibinebenta sa iba. Ang email lang ang itinatago namin — hindi ang mga numerong inilagay mo sa kalkulador.